True Worship #1 - The Heart Behind the Offering: A Reflection on Cain and Abel's Worship


English Version

Scriptural Passage: Genesis 4:1-8 (NASB)

1 Now the man had relations with his wife Eve, and she conceived and gave birth to Cain, and she said, “I have obtained a male child with the help of the Lord.”
2 And again, she gave birth to his brother Abel. Now Abel was a keeper of flocks, but Cain was a cultivator of the ground.
3 So it came about in the course of time that Cain brought an offering to the Lord from the fruit of the ground.
4 Abel, on his part, also brought an offering, from the firstborn of his flock and from their fat portions. And the Lord had regard for Abel and his offering;
5 but for Cain and his offering, He had no regard. So Cain became very angry, and his face was gloomy.
6 Then the Lord said to Cain, “Why are you angry? And why is your face gloomy?
7 If you do well, will your face not be cheerful? And if you do not do well, sin is lurking at the door; and its desire is for you, but you must master it.”
8 Cain talked to his brother Abel; and it happened that when they were in the field, Cain rose up against his brother Abel and killed him.

Reflection: Offering to God

  1. We Should Offer Our Best
    References: Nehemiah 10:35; Exodus 23:16, 19
    God deserves the best of what we have, not just what is convenient. Our offerings should reflect our reverence for Him and our acknowledgment of His lordship in our lives.

  1. We Should Offer Our First
    Reference: Matthew 6:33
    When God blesses us, it’s easy to prioritize our desires and forget the One who provided. Giving our first to God is a declaration that He is our priority. When we seek Him first, He promises to meet all our needs.

  1. Our Offering Reflects Our Heart
    Reference: Luke 6:45
    Our offerings are an outflow of what’s in our hearts. A sincere offering mirrors a heart devoted to God. Since God is generous, our giving should also reflect His nature. Are we mirroring His generosity in our offerings?

  1. Our Offering Reflects Our Trust in God’s Provision
    Trusting God means believing that He will continue to provide for us. When we give Him our best and first, we acknowledge that He is our source and that we depend on Him for all things.

Character Study: Cain and Abel

  1. Abel:
    Abel knew God’s character:

    • Perfect: He deserves the best offerings.

    • Jealous: He must be honored first.

    • Generous: Abel trusted that God, who provided for him, would continue to meet his needs, even after giving his first and best.

  2. Cain:
    Cain’s attitude represents the mindset in James 4:1-3. For Cain, offering to God was a mere obligation rather than an act of worship. His offering was secondary, driven by competition rather than sincere devotion. God’s response to Cain reminds us that true worship is joyful and sincere, not grudging or resentful.

Despite their different roles, what mattered most to God was the heart behind their offerings. Both were blessed with resources, but only Abel’s heart truly honored God.

What Matters Most

  1. How we view and prioritize God in our lives.

  2. Our desire for a deep and intimate relationship with Him.

  3. The sincerity and depth of our worship and trust in Him.

  4. Reflecting His holiness, generosity, and love in our lives.

Principle: The Core of True Worship and Trust in God

True worship flows from a heart fully submitted to God. It is not about the quantity of what we give but the quality and intent behind it. Trust in God is demonstrated by our willingness to give Him our best, knowing that He will supply all our needs. Genuine worship is marked by joy, sincerity, and trust.

Reflection Questions

  1. Is your trust in God fully surrendered like Abel’s or partial like Cain’s? Reflect on your experience.

  2. Does your giving reflect God’s holiness, generosity, and love? Can you share an example?

  3. Are you giving your best to God in all you do?

Prayer

Heavenly Father,
Thank You for being our Provider and Sustainer. Help us to offer You our best in all that we do. May our hearts be fully surrendered to You, and may our worship be marked by sincerity and joy. Teach us to trust in Your provision and reflect Your generosity in our lives. In Jesus’ name, Amen.


========================================================================


Tagalog Version

Talata ng Banal na Kasulatan: Genesis 4:1-8 (ASND)

1 Pagkatapos noon, sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva at nagbuntis ito. Nang manganak si Eva, sinabi niya, “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, kaya Cain ang ipapangalan ko sa kanya.”
2 At muling nanganak si Eva ng lalaki at Abel ang ipinangalan sa kanya. Nang lumaki na sila, si Abel ay naging pastol ng mga tupa at kambing, at si Cain naman ay naging magsasaka.
3 Isang araw, naghandog si Cain sa Panginoon ng galing sa ani niya.
4 Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Diyos ang pinakamagandang bahagi. Natuwa ang Panginoon kay Abel at sa handog nito,
5 pero hindi siya natuwa kay Cain at sa handog nito. At dahil dito, sumimangot si Cain at labis ang kanyang galit.
6 Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot?
7 Kung mabuti lang ang ginawa mo, maligaya ka sana. Pero mag-ingat ka! Dahil kung hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito.”
8 Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.

Pagmumuni-muni: Pag-aalay sa Diyos

  1. Dapat Ialay ang Pinakamabuti
    Mga Sangguniang Talata: Nehemiah 10:35; Exodus 23:16, 19
    Nararapat lamang na ang Diyos ay makatanggap ng pinakamainam mula sa atin, hindi lamang kung ano ang madali. Ang ating mga alay ay dapat sumalamin sa ating paggalang at pagkilala sa Kanya bilang Panginoon ng ating buhay.

  2. Dapat Ialay ang Unang Bunga
    Sangguniang Talata: Mateo 6:33
    Kapag tayo’y pinagpapala ng Diyos, madalas nating inuuna ang ating mga nais at nakakalimutan ang Nagbigay. Ang pagbibigay ng ating unang bunga sa Diyos ay isang pahayag na Siya ang ating prayoridad. Kapag Siya ang ating inuna, ipinangako Niyang lahat ng ating pangangailangan ay Kanyang ipagkakaloob.

  3. Ang Ating Alay ay Salamin ng Ating Puso
    Sangguniang Talata: Lucas 6:45
    Ang ating mga alay ay bunga ng kung ano ang nasa ating puso. Ang isang tapat na alay ay sumasalamin sa isang pusong nakatuon sa Diyos. Dahil ang Diyos ay mapagbigay, ang ating pagbibigay ay dapat magpakita ng Kanyang likas. Tayo ba ay nagiging salamin ng Kanyang kabutihan sa ating mga alay?

  4. Ang Ating Alay ay Pagpapakita ng Ating Pagtitiwala sa Diyos
    Ang pagtitiwala sa Diyos ay nangangahulugang paniniwala na patuloy Siyang magbibigay sa atin. Kapag ibinibigay natin sa Kanya ang ating pinakamahusay at unang bunga, kinikilala natin na Siya ang ating pinagkukunan at umaasa tayo sa Kanya sa lahat ng bagay.


Pag-aaral ng mga Tauhan: Cain at Abel

  1. Abel:
    Si Abel ay kilala ang karakter ng Diyos:

    • Perpekto: Nararapat lamang Siya sa pinakamainam na alay.

    • Mapanibugho: Dapat Siyang parangalan nang una.

    • Mapagbigay: Tiwala si Abel na ang Diyos, na nagbigay sa kanya, ay patuloy na magbibigay ng kanyang pangangailangan kahit na ibinigay na niya ang kanyang unang bunga at pinakamahusay.

  2. Cain:
    Ang ugali ni Cain ay sumasalamin sa kaisipan sa Santiago 4:13. Para kay Cain, ang pag-aalay sa Diyos ay isang obligasyon lamang at hindi isang tunay na pagsamba. Ang kanyang alay ay pangalawa lamang, hinimok ng kompetisyon kaysa taos-pusong debosyon. Paalala sa atin ng tugon ng Diyos kay Cain na ang tunay na pagsamba ay masaya at taos-puso, hindi napipilitan o nagagalit.

Kahit na magkaiba ang kanilang mga tungkulin, ang mas mahalaga sa Diyos ay ang puso sa likod ng kanilang mga alay. Pareho silang pinagpala ng mga pinagkukunan, ngunit tanging si Abel lamang ang nagbigay ng karangalang alay.

Mga Mahahalagang Bagay

  1. Paano natin tinitingnan at inuuna ang Diyos sa ating buhay.

  2. Ang ating hangaring magkaroon ng malalim at masinsing relasyon sa Kanya.

  3. Ang katapatan at kalaliman ng ating pagsamba at pagtitiwala sa Kanya.

  4. Ang pagninilay ng Kanyang kabanalan, kabutihan, at pag-ibig sa ating mga buhay.

Prinsipyo: Ang Puso ng Tunay na Pagsamba at Pagtitiwala sa Diyos

Ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa isang pusong lubos na nakatalaga sa Diyos. Hindi ito tungkol sa dami ng ating ibinibigay kundi sa kalidad at layunin nito. Ang pagtitiwala sa Diyos ay ipinakikita sa ating kahandaan na ibigay sa Kanya ang pinakamahusay, naniniwalang Kanyang ipagkakaloob ang lahat ng ating pangangailangan. Ang tunay na pagsamba ay may tatak ng kagalakan, katapatan, at pagtitiwala.

Mga Tanong sa Pagmumuni-muni

  1. Ang iyong pagtitiwala ba sa Diyos ay lubos na pagsuko tulad ng kay Abel o bahagyang tulad ng kay Cain? Pag-isipan ang iyong karanasan.

  2. Ang iyong pagbibigay ba ay sumasalamin sa kabanalan, kabutihan, at pag-ibig ng Diyos? Maaari ka bang magbahagi ng isang halimbawa?

  3. Ibinibigay mo ba ang iyong pinakamahusay sa Diyos sa lahat ng iyong ginagawa?

Panalangin

Aming Amang nasa Langit,
Maraming salamat po sa pagiging aming Tagapagbigay at Tagapagtaguyod. Tulungan Mo po kaming ialay ang aming pinakamainam sa lahat ng aming ginagawa. Nawa ang aming mga puso ay lubos na maging tapat sa Iyo, at nawa ang aming pagsamba ay puno ng katapatan at kagalakan. Turuan Mo po kaming magtiwala sa Iyong probisyon at ipakita ang Iyong kabutihan sa aming mga buhay. Sa pangalan ni Jesus, Amen.


Comments